88

Oct 9, 2021 @ 21:10
By

Andrea Brillantes lapitin ng mumu

Bukod sa pagiging lapitin ng mga lalaki ay lapitin din pala ng multo ang young star na si Andrea Brillantes.

Binuking ito ni Andrea sa panayam sa kanya ni Boy Abunda.

Yun nga lang, kasabay sa pag-amin ng aktres na lapitin siya ng multo ay inanunsyo rin niyang positibo siya ngayon sa COVID-19.

“Ang pinakamahirap po kasi para sa akin, I have insomnia and anxiety. Sa araw sobrang kaya ko naman lahat. Ginawa ko lang, I just read books. Pagdating po ng gabi, doon po ako nahihirapan,” wika ni Andrea, na ngayon daw ay asymptomatic at naka-isolate.

“Hirap po ko makatulog. Ngayon po to be honest . . . takot ako mag-isa. Lapitin po kasi ako ng multo,” dugtong pa niya.

Sa gitna ng pagsubok, nananatiling positibo ang aktres.

“Gusto ko ipakita sa kanila na kaya ko. Kaya ko mag-isa. Kakayanin ko kahit mahirap,” wika pa ni Andrea.

“Huwag mo lang isipin. Ngayon ko lang nagawa ’yung treatment sa sarili ko ’pag di ako makatulog, lagi ko lang iniisip, ‘No one’s gonna hurt you, Blythe.’ Kasi ako lang naman ’yung nag-iisip na may mananakit sa’kin. Pero wala naman talaga.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?