50

Andre Paras may double-double sa NCRAA debut vs AMA

Sharing is caring!

Sinandalan ng AMA University Titans ang solidong laro ni Andre Paras para talunin ang Philippine Merchant Marine School 93-61 sa National Capital Region Athletic Association (NCRAA).

Nangolekta ng 15 points, 20 rebounds, six blocks at 4 assists ang Kapuso actor na si Paras sa 37 minutong paglalaro sa Titans.

Sa umpisa pa lang ng laro ay umarangkada na ang Titans 14-0 at hindi na lumingo pa sa kalaban hanggang matapos ang final canto.

Nagbida rin sa Titans sina Juan Carlo Garcia at Genmar Bragais na parehong may 18 points.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?