54
andre-paras
By

Andre Paras lagare sa 3 projects ngayong 2018

Sharing is caring!

Sina Mikee Quintos at Mikoy Morales ang mga bida sa ‘Sirkus’, ang television drama fantasy series na magsisimula sa January 21 at mapapanood tuwing Linggo sa timeslot ng ‘Road Trip’ na may last telecast sa January 14.

Kambal na magkapatid ang role nina Mikee at Mikoy sa bagong television project ng News & Public Affairs ng GMA 7.

Co-stars nina Mikee at Mikoy sina Zoren Legaspi at Angelu de Leon na gaganap bilang mga magulang nila, Cherie Gil, Sef Cadayona, Chariz Solomon at Andre Paras.

Ang ‘Sirkus’ ang pangatlo na regular show ni Andre sa Kapuso Network dahil mainstay siya ng ‘Sunday Pinasaya’ at kasama sa cast ng ‘Sherlock, Jr.’, ang primetime teleserye na papalit sa ‘Super Ma’am’ at mapapanood simula sa January 29, 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?