144

By

Andre dedma lang: Kobe, Jackie magkasama sa Hong Kong

Isa pang happy ang naging Christmas ay ang dating aktres na si Jackie Forster dahil nakapiling nito muli ang kanyang bunso kay Benjie Paras na si Kobe Paras.

Nagkasama ang mag-ina pati ang second family ni Jackie sa Hong Kong nitong bisperas ng Pasko at mismong sa araw ng Pasko kung saan ibinahagi nito ang larawan ng isang masayang pamilya.

Mula London ay lumipad ang buong Franken family para katagpuin si Kobe at isang masayang family bonding nga ang nangyari lalo na at inamin ni Kobe na in so short a time ay napamahal na rin sa kanya ang kanyang mga maternal sibling.

Kung matatandaan, si Kobe ang gumawa ng paraan na magkaroon sila ng reconciliation ng kanyang ina matapos ang mahabang dedmahan at tampuhan.

Ilang ulit na ring nakapiling ni Jackie sina Kobe at Andre dito sa Pilipinas. Pero may nagtatanong na bakit parang dedma lang si Andre sa bakasyon nina Kobe at Jackie Hong Kong? Ganun ba siya ka-busy sa trabaho?

Well, hayaan na lang, dahil ang mahalaga ay okey na silang lahat, tahimik na ang kanilang mundo na ayon nga kay Andre as much as possible ay ayaw niyang maging publiko ang anumang development sa relasyon nilang mag-iina dahil okey na ito.

Korekek!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?