35

By

Andray Blatche ngayon ang dating

Kinumpirma ni Team Pilipinas head coach Yeng Guiao na ngayong araw ang balik ng naturalized player na si Andray Blatche.

“Andray is coming in tonight. Mamaya darating siya,” pakli ng national team head coach.

Sa kanyang paglapag sa ‘Pinas, agad na titingnan ng coaching staff ang game shape ng manlalaro.

“The most important thing for us to evaluate or assess is what kind of fitness is he in, what kind of condition is he in,” ayon kay Guiao.

Isa pa sa sisiguraduhin ni coach Yeng ay ang gutom ni Blatche na maglaro para sa national team.

“We have to be assured that he is motivated or that he is going to compete as hard as he can for the national team,” aniya pa.

Haharapin ng Team Pilipinas ang Qatar sa Pebrero 21 at Kazakhstan sa Pebrero 24.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?