68
Andi super takam sa churros
By

Andi super takam sa churros

Kakaibang glow up ang histura ni Andi Eigenmann ngayo’t 20 weeks o 5 months na ang ipinagbubuntis nito sa pangalawang anak.

Nagpagupit ang aktres at talaga nga namang iba ang pagka-blooming niya!

Actually, wala ngang kayos-ayos o make up si Andi sa kanyang mga post kamakailan.

Tila proud pa ang aktres sa kanyang paglilihi sa matatamis tulad na nga lang ng churos na takam na takam siyang tinitignan sa kanyang Instagram story.

Malaki-laki na nga rin ang tiyan ni Andi sa post niya at todo abang na rin ang mga fan sa paglabas ng kanyang pangalawang baby.

Suot lamang ang simpleng t-shirt at shorts, hinuhulaan na ng mga fan ang magiging kasarian ng kanyang magiging baby sa pamamaraan ng kanyang pananamit o pag-aalaga sa physical look. Nagtatalo nga ang fan kung ang baby ba ay babae o lalaki pero mukhang mas marami ang nagsasabing posibleng babae raw ang baby ni Andi dahil nga sa kakaibang glow up ng aktres.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?