79

Sep 19, 2021 @ 10:53
By

Andi, Philmar enjoy sa buhay probinsya

Super enjoy ang “Island Family” nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo sa simpleng pamumuhay sa Siargao Island.

Sa ibinahagi kasing litrato ni Andi, makikita ang kanyang fiance at kanilang dalwang baby na sina Koa at Lilo na nagkakasiyahan sa isa nilang picnic date.

https://www.instagram.com/p/CT9ZOvPFQqQ/?utm_medium=copy_link

“Koa was super chill and comfy on his mat and got to taste some fresh green grass too,” sey ni Andi sa caption.

“Lilo also had a blast exploring, befriending cows,” pagpapatuloy niya.

“We also made lamaw after papa’s trail ride.”

Taong 2019 nang isinilang ng aktres si Lilo samantalang nito lamang Enero nang ipinanganak si Baby Koa.

https://www.instagram.com/p/CSBXne8lEYI/?utm_medium=copy_link

Bukod sa dalawang tsikiting, may dyunakis din si Andi na si Ellie na siyang una niyang anak sa dating nobyo niya na si Jake Ejercito. (VA)


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?