142

By

Andi mamumuhay nang simple sa Baler

Sharing is caring!

Dahil sa hangad na simpleng buhay lang, binenta ng aktres na si Andi Eigenmann ang kanyang mga mamahaling gamit tulad ng designer clothes, alahas, bags and shoes, pati na rin ang kanyang sasakyan.

Ayon kay Andi, gusto niyang mamuhay nang simple lang at masaya. Hindi naman daw niya kakailangan ang mga mamahaling gamit sa pagtira niya sa probinsya.

“I sold everything that I felt was an idea of luxury that I didn’t need.

“I don’t own cars, I don’t own any designer clothes at bags.

“Lahat nang pang-artistang ‘yan, make-up, lahat ‘yan wala na.

“Kahit mga kasama sa bahay, yaya, driver lahat ‘yan wala na,” diin pa ni Andi.

Sa Baler, Aurora na raw nakatira si Andi at masaya ito sa kanyang buhay doon. Nahiligan na raw nito ang mag-surfing at gusto na raw niyang simulan ang pangarap niyang maging isang writer.

Imbes na ma-shock sa pagbabago ni Andi, ikinatuwa ito ng kanyang inang si Jaclyn Jose. Malaki na raw ang pinagbago ng pananaw ni Andi sa buhay.

“She matured a lot. Yung thinking niya, masasabi mo na, you know, she takes care of herself, Ellie, and pati environment.

“Meron siyang advocacy. She wants to save the beach for that matter, particularly Siargao, Baler,” pagtapos pa ni Jaclyn Jose .

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?