220

By

Andi, Jake nangangamoy balikan

Sharing is caring!

Hiwalay na pala ang dekolor at puti nina Andi Eigenmann at Emilio Arambulo. Ang relasyon nila, dalawang taon lang ang itinagal.

Sa mga may pribilehiyong magmaldita, tiyak ang masasabi lang nila dito ay, “Well, so what if they are separated? Does our piso become stronger laban sa dollar because they are so freaking hiwalay na? I don’t think so. Let’s all move on and sip our macchiato!”

Sa mga nanalig kay Eigenmann, siyempre malungkot sila para sa kanilang hinahangaan. Si Andi mismo ang umamin nito sa isang press payanig. Happily single at by choice ito ang kanyang present status.

Ngayon she said goodbye to love, nawa’y mas maging aktibo siya sa kanyang karera. Work, of course, is always the best therapy para sa isang pusong sinugatan. Ang best love she has right now ay ang kanyang munting prinsesa, si Ellie.

Darating rin sa tamang panahon ang tamang lalaki para sa kanya at effortless ang kanilang pagmamahalan.

Matagal na siyang walang ginagawa para sa telebisyon. Ano nga kaya ang susunod na pangmalakasang project ni Andi sa Mother Ignacia station?

May katotohanan nga bang ang kanyang nanay, ang Pambansang Aktres na si Jaclyn Jose, gusto na nga bang palipatin ang anak sa Kamuning network kung saan may work kete work siya palagi? Bothered nga ba si Ms. Jose na parang “frozen delight” at “floating” ang career status ni Andi kaya kung siya ang masusunod, mas gugustuhin niya pang sumakabilang network na ito?

Pag naging major, major box office draw ang ‘The Maid in London,’ tiyak bibigyang importansya at pansin muli si Eigenmann sa kanyang mother network. Kaya sa mga gustong manatili si Andi bilang Kapamilya, alam niyo na ang gagawin, hindi ba naman?

Ang developing chika na pwedeng magdabog ang bangs ko eh kung biglang may lulutang sa ere na may chance na magkabalikan sina Andi at Jake Ejercito.

Andi is all praises sa pagiging good dad ni Ejercito kay Ellie. Now that is she single and is seeing the father of her daughter in a different light, maging theme song kaya nila ang Starting Over Again at ipakita sa ating lahat na sila talaga ang meant to be? Pag nangyari ang kanilang reunited and it feel so good moment, sure na sure na si Ellie ang pinakamasaya sa lahat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?