39

Jan 21, 2021 @ 21:23
By

Andi Eigenmann proud mother kay Lilo

Matapos ang ilang araw na panganganak, ibinahagi ni Andi Eigenmann ang kanyang appreciation sa una niyang anak kay Philmar Alipayo na si Lilo.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng aktres ang litrato ng kanyang pagbubuntis katabi si Lilo.

“My little big sis Lilo! Oh my baby you’ll always be. It’s been a full day back home as a family of 5, and everyone has been great so far,” saad niya sa caption ng naturang post.

“Specially this one, who was instantly an amazing big sis,” dagdag pa niya.

Aniya, habang buhay niyang ituturing na ‘baby’ si Lilo.

“[E]njoying every second of her being a jolly little toddler who only continues to brighten up all our days,” saad niya.

“Oh my baby forever she will be,” dagdag pa nito.

Isinilang ni Eigenmann si Baby Koa noong Linggo, Enero 17.

Si Baby Koa ang pangalawa nilang anak ni Alipayo.

Si Ellie naman ang panganay na anak ni Eigenmann kay Jake Ejercito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?