39

Jan 18, 2021 @ 11:33
By

Andi Eigenmann nanganak na uli

Binati ni Jaclyn Jose ang anak na si Andi Eigenmann sa matagumpay nitong panganganak.

“Congratulations anak for having a succesful delivery to our newest member of the family,” sey ng nanay sa Instagram kalakip ang larawan ng anak.

“Bouncing healthy baby boy 😚,” dagdag niya.

Samantala, hindi pa nagpo-post si Andi o kanyang partner na si Philmar Alipayo tungkol sa pagsilang ng pangalawa nilang anak.

Una nang sinabi ni Eigenmann na manganganak siya via c-section.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?