161

Oct 25, 2017 @ 12:59

Andi Eigenmann mas type maging sirena kesa mag-artista

KUNG nakakapagpatubo ng kaliskis ang madalas na pagbababad sa dagat, matagal na ngang tinubuan ng kaliskis ang controversial actress na si Andi Eigenmann. Walang kasawa-sawa si Andi na maglagalag, maglublob sa mga beach island and resort sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Recently ay nasa Siargao siya. Halos masunog na ang balat ni Andi sa kakagalugad sa mga resorts at pagbabad sa tubig dagat.

Mas gusto pa yatang mag-travel na lang at mamalagi sa mga isla ni Andi kesa mag-artista at kumita ng pera. Totohanan na nga yata ang plano niya na mag-retire na sa showbiz.

Feeling ni Andi ay isa talaga siyang sirena at nakalagay naman ito sa profile info ng kanyang Instagram account. Pero, nakabuti rin ang pagiging malayo ni Andi sa showbiz dahil tahimik ang kanyang buhay ngayon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?