81

Apr 5, 2021 @ 18:50
By

Andi Eigenmann mabenta

Kahit hindi na artista ay marami pa ring sumusubaybay kay Andi Eigenmann.

Patunay dito ang pagpalo sa dalawang milyon ng subscribers niya sa YouTube.

January 2020 nagsimulang maglagay si Andi ng video sa kanyang YT channel na “Happy Islanders”. Mayroon na ito ngayong 2.01 million subscribers.

Ipinasisilip ni Andi sa kanyang YT channel ang buhay ng kanyang pamilya sa Siargao.

Kasama ni Andi sa Siargao ang kanyang professional surfer fiance na si Philmar Alipayo at kanilang mga anak.

Sa kanyang Instagram ay pinasalamatan ni Andi ang mga supporter ng kanyang mga vlog.

“2M on youtube!!! Never did we think we would receive this much love and support from all of you! It was your acceptance and love that keep us going. We are so so soo grateful to you all! From the bottom of our hearts, THANK YOU SO MUCH!” sey ni Andi.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?