200

May 18, 2019 @ 14:56
By

Andi Eigenmann ibinida ang binuong pamilya

Ibinahagi ni Andi Eigenmann ang saya ng nararanasan niya sa pagkakaroon ng sarili niyang pamilya.

Sa Instagram post niya, makikita ang litrato niya kasama ang anak niyang si Ellie, ang kinakasamang si Philmar at ang anak nitong si Toro.

Ayon kay Andi, bagama’t ang ganitong klase ng pamilya ay hindi perpekto at iba sa nakasanayan ng iba, hindi ibigsabihin ay kailangan na niyang magpatali sa realidad ng iba.

Aniya, “Our family may not be ideal to some, but others’ perception is not our reality.”

Dagdag pa niya, “We are aware that it is not ordinary -because it’s extraordinary.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?