182

Oct 24, 2017 @ 14:18

Andi Eigenmann, feeling mermaid na

Kung nakakapagpatubo ng kaliskis ang madalas na pagbabad sa dagat, matagal nang tinubuan ng kaliskis ang controversial actress na si Andi Eigenmann.

Walang kasawa-sawa si Andi sa paglalagalag sa mga beach islands and resort sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Kamakailan lang ay nasa Siargao ang Kapamilya star, ngayon ay sa Baler, Quezon Province naman ito nandoon.

Halos masunog na ang balat ni Andi sa kakagalugad sa mga resorts at pagbababad sa tubig-dagat.

Mas gusto pa yatang mag-travel na lang at mamalagi sa mga isla ni Andi kesa mag-artista para kumita ng pera.

Isa sa mga naging controversial statement ni Andi isang buwan na ang nakakaraan ay ang pagnanais niyang mag-retire na sa showbiz.

Hindi kataka-taka kung magiging madalang na lang ang paglabas ni Andi sa mga teleserye at indie film dahil mas nagkakaroon siya ng kasiyahan sa hampas ng mga alon sa dagat at paglangoy kasama ng mga isda.

Feeling kasi ni Andi, isa siyang sirena at nakalagay naman ito sa profile info ng kanyang Instagram account, ang ‘mermaid wanders’ na lagi ring naka-tag sa kanyang mga post.

Nakabuti ang pagiging malayo ni Andi sa showbiz dahil tahimik ang kanyang buhay at wala siyang isyung hinaharap sa kasalukuyan.

Tila tahimik na ang isyu sa pagitan nila ng ama ng kanyang anak na si Ellie, na si Jake Ejercito tungkol sa custody sa bata.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?