398

Feb 5, 2019 @ 19:17
By

Andi Eigenmann binuweltahan ang pumuna sa kaniyang pagbubuntis nang hindi kasal

Kamakailan lamang ay inanunsiyo ni Andi Eigenmann ang kaniyang pagdadalantao sa kaniyang ika-2 anak at umani ang naturang balita ng iba’t ibang komento mula sa mga fan at bashers.

Ibinahagi ni Andi ang larawan ng kaniyang baby bump habang siya ay nasa Bali, Indonesia at isang netizen ang nag komento at sinabing, “Sana Ands pakasal ka muna saying.”

View this post on Instagram

This time around, I am fully cherishing every moment of my pregnancy. Embracing it as a time of transition and growth as my soul and spirit stretch, along with my body. Having raised a beautiful girl has given me courage to be proud of every bit of evidence in my body that shows that I am a mother. It will not be about hiding the bump, and bouncing back as soon as possible so that nobody notices that I actually gave birth. This time, it will be about celebrating the blessing of having another chance to raise another flower child.🌻 Shout out to Ellie for teaching me everything I know. To our little 🥑, we’re so blessed to have papa @chepoxz and ate Ellie as our support system. Wearing pieces from the latest collection of my new favorite, @bambooblondeindo

A post shared by Andi Eigenmann (@andieigengirl) on

Agad na binuweltahan ni Andi ang komento.

“You are in no place to tell me how I should lead my life. More so, tell me that I am ‘sayang’ because I am happily pregnant at 28 yo. I don’t expect nor intend for everyone to be pleased by how I see life, but your negativity is very unnecessary, and you may feel free to click unfollow,” sagot ng aktres.

Ipinaliwanag ng netizen na isa siyang fan at sana’y hindi nagalit si Andi sa komento niya na dinagdagan niya pa ng, “Sana hindi na maghiwalay di ba?”

Nilinaw naman ni Andi na hindi siya nagalit sa naturang komento at sinagot lamang niya ang sinabi nito.

“People having different beliefs as I do, does not anger me. Otherwise, I wouldn’t have taken the time to let you know how your message made me feel. But we should learn to accept that every person is different and we have no right to shove our beliefs on others. I called you out because it’s such a shame when women bring other women down. Not because I am angry,” saad nito.

Maraming fan din naman ang sumuporta sa pagbubuntis ng aktres at sa buhay na pinili nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?