102

Feb 15, 2020 @ 11:07
By

Anderson na-wow mali sa MPBL All-Star Game

Isa o dalawang numero lang ang madalas na nakikitang numero sa jersey ng mga basketball player.

Pero ibahin n’yo si actor-player Gerald Anderson dahil nagsuot ng number 168 nitong Huwebes sa Chooks MPBL Lakan Season All-Star Game sa Mall of Asia Arena.

Ang problema, hindi pala iyon ang talagang numerong gusto niya kundi nagkamali lang.

Sa halip kasi na 163 na numero ng Bantay Bata na kanyang sinusuportahan, ay mistulang shopping mall na 168 sa Binondo, Manila ang numerong nailagay.

“Supposed to be 163 para sa Bantay Bata. Nagkamali lang yung gumawa ng jersey. Miscommunication,” kuwento ng aktor.

Malapit sa loob ng Fil-Am actor ang mga bata kung saan pakay nitong maprotektahan ang mga menor-de-edad kaya suportado niya ang `Bantay Bata’ bago pa man siya pumasok sa buhay artista.

“I was supposed to bring awareness sa mga tao about Bantay Bata 163 pero naging 168. Sumobra but it’s okay,” wakas niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?