89
Andaya umatras sa imbestigasyon kay Diokno
Mar 6, 2019 @ 20:10
By

Andaya umatras sa imbestigasyon kay Diokno

Hindi na interesado si House Committee on Appropriations chair Rolando Andaya na ituloy ang pag-iimbestiga sa umano’y anomalya sa 2019 national budget matapos italaga bilang bagong gobernador ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang inaakusahan niyang si Benjamin Diokno.

Ani Andaya, hahayaan na lang niyang ibang opisyal ang gumawa nito pero kinokonsidera naman ng kanyang komite na maglabas ng report sa mga natalupan na nila sa ginawang imbestigasyon.

Matatandaang sinabi ni Andaya noon na walang makapipigil sa kanya sa pagsisiwalat sa mga anomalya sa Department of Budget and Management ni Diokno.

Panay din ang pukol ni Andaya ng mga alegasyon na may kinalaman si Diokno sa anomalya at mga insertion sa 2019 national budget.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?