12

By

Andaya: Mga mambabatas, walang papel sa P16B budget para sa LGUs

Sharing is caring!

Wala umanong papel ang mga mambabatas sa paggamit ng P16-billion na alokasyon para sa assistance to local government units (ALGU) sa ilalim ng panukalang 2019 national budget.

Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr., ang naturang pondo ay para sa local government units (LGUs) kaya walang papel ang mga senador at kongresista.

Kinuwestiyon ni Sen. Ping Lacson ang P9-billion na dagdag sa pondo ng ALGU na ginawa raw nang walang konsultasyon sa Department of Budget and Management (DBM) kaya maikukunsiderang lump sum funds.

Paliwanag naman ni Andaya, ang DBM ang may kontrol pagdating sa projects ng LGUs at hindi ang Kongreso.

“May mga papel na hihingiin diyan. Unang-una ‘yung proyekto dapat aprubahan ng Sangguniang Bayan or Sangguniang Panlalawigan. Dadaan pa ‘yan sa proseso ng DBM. So si Secretary Diokno pa rin ang [may] final say, hindi ang congressman,” sabi ni Andaya.

“It’s a lump sum fund under their control. If you really want to be technical about it, that’s executive pork because that will fall completely under the control of the executive,” dagdag ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?