16
danilo-suarez
By

Andaya malabong mapatalsik – Suarez

Sharing is caring!

Malabo umanong magtagumpay ang ugong na ouster plot laban kay House Majority Leader Rolando Andaya.

Reaksyon ito ni House Minority Leader Danilo Suarez sa usap-usapan na binabalak umano ni Camarines Sur Rep. Luis Raymond Villafuerte na patalsikin si Andaya dahil sa pagkaantala ng pag-apruba sa 2019 proposed national budget.

Mayroong alitan sina Andaya at Villafuerte.

Pero iginiit ni Suarez na maling gamitin ni Villafuerte ang isyu ng budget para personalin si Andaya.

Para kay Suarez, hindi dapat dinadala sa kanilang trabaho sa Kongreso ang away ng dalawa na nag-ugat sa lokal na politika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?