76

Apr 2, 2019 @ 15:28
By

Andaya kay Sotto: Saan niyo dinala ang tinapyas sa 2019 budget?

Hindi na umano dapat pang maghanap ng kung ano-anong salita sa diksiyonaryo si Senate President Tito Sotto para lang iligaw ang atensiyon ng publiko sa ginawa budget cuts ng Senado sa major infrastructure projects at social programs ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang tugon ni House Appropriations Chairman Rolando Andaya Jr., sa pagtawag ni Sotto na “delusional” lang ang sinasabi ng Kamara na sinabotahe ng Senado ang mga proyekto ng administrasyon.

“Delusional na yata. It’s their last ditch effort to influence the President not to veto their illegal realignments,” ani Sotto sa bintang ni Andaya na tinapyasan nila ng budget ang Armed Forces of the Philippines at ang Build Build Build program.

Giit naman ni Andaya, ang dapat lang umanong gawin ng Senado ay ipaliwanag kung bakit nito tinapyas ang budget hindi lang sa Build, Build, Build projects kundi maging sa pension para sa mga uniformed personnel at retirement benefits ng mga government employee.

Ngayon din umano ang panahon para ilantad ni Sotto ang mga pangalan ng senador na siyang nagtapyas sa budget at ipakita ang mga item kung saan ito na-realign para na rin umano sa transparency.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?