41

By

Andaya inireklamo sa kinulang na SALN declaration

Sharing is caring!

Naghain ng reklamo ang Truth and Justice Coalition ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) commissioner Greco Belgica laban kay House Majority Leader Rolando Andaya dahil sa ‘di umano pagdi-disclose o pagsasama ng lahat ng kanyang property sa Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Ang complaint ay inihain bilang paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials sa opisina ng Ombudsman.

Ayon kay Belgica, ang mga hindi dineklara ni Andaya ay ilang mga armas, motor vehicle, at ilang real estate property sa kanyang naging SALN noong 2016 at 2017.

“Marami siyang hindi na-declare na baril, mga sasakyan, mga properties, lahat po ‘yun. We saw na hindi na-declare na maayos,” saad ni Belgica.

Posible pa umanong masundan ang mga kaso laban sa mga politiko dahil sa listahan, na may mga kasamang mayor, senador, nasa gabinete, na inirereklamo ng publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?