196

Jul 30, 2018 @ 18:50
By

Andaya, bagong majority leader ng Kamara; Suarez nanatiling minority leader

Itinalaga na bilang bagong House majority leader si Camarines Sur Rep. Rolando Andaya kapalit ni Ilocos Rep. Rodolfo Fariñas.

Dahil dito, si Andaya na rin ang bagong chairman ng Rules Committee ng Kamara.

Kinilala naman ng Kamara si Quezon Rep. Danilo Suarez para manatiling minority leader, bagay na kinuwestyon ng mga kongresistang hindi bumoto kay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang Speaker.

Iginiit ni Marikina Rep. Miro Quimbo na ang kanilang grupo ang dapat na kilalaning lehitimong minorya base sa nakasaad sa rules.

Samantala, itinalaga naman bilang bagong Sergeant at Arms si retired Brig. Gen. Romeo Prestoza kapalit ni retired Lt. Gen. Roland Detabali.

Ang bagong chairman ng acconts committee ay si Leyte Rep. Yedda Romualdez kapalit ni Batangas Rep. Eileen Ermita-Buhain.

Si 1-Sagip Rep. Rodante Marcoleta ay itinalagang Senior Majority Leader kapalit ni Pampanga Rep. Rimpy Bondoc.

Tatayo naman bilang acting House Secretary General si Roberto Maling kapalit ni Atty. Cesar Pareja. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?