3,062

By

Andanar sa palpak na posters ng ASEAN: Ang mahalaga isang bansa tayo

Sharing is caring!

Isinisi sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang palpak na posters at tarpaulins ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) kung saan mali ang spelling ng “Philippines”.

Sinabi kahapon ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, ang DILG ang nagkabit ng mga tarpaulins at hindi dumaan sa pag-apruba ng PCOO.

Nagbigay na aniya ng pahayag ang DILG hinggil dito at kahit kahit nasa Vietnam siya ay agad ipinag-utos na alisin ang mga nakakabit na tarpaulins matapos mabatid ang kapalpakang ito.

Hindi naman masabi ni Andanar kung gaano karami ang naimprentang ASEAN posters dahil marami ang nagtulong-tulong na mga ahensiya at nakakalungkot aniyang naglabas ng maling tarpaulins ang DILG nang hindi dumaan sa kanilang pagsusuri.

“Ang tanong na ‘yan ay idirekta natin sa DILG sapagkat sila ang nagkabit ng tarpaulins without our consent sa PCOO, so as a matter of fact naglabas na ang DILG ng kanilang statement at ang NOC. I don’t have the specific information, the number of tarpaulins na kanilang inimprenta. But when we got with of the misspelled “Philippines” in the tarpaulins, mula Vietnam ay kagyat kong ipinag-utos kay Undersecretary Puyat na agad aksiyonan kahit hindi kami ‘yung taga-post ng tarpaulins na ‘yon para maalis na sa mga lansangan kung saan nakasabit ang mga ito,” pahayag ni Andanar.

Sinabi pa ng kalihim na marami ang nagtulong-tulong sa ASEAN preparations gaya ng local government units, PCOO, National Organizing Committee at iba pang grupo at nagkataon lamang na naglabas ang DILG ng tarpaulins nang hindi alam ng kanyang tanggapan.

Binigyang-diin ni Andanar na ang mahalaga ay maipakita ng gobyerno kung ano ang Pilipinas sa mga dayuhang bisita sa ASEAN, at nakakalungkot lamang aniya na sa dinami-dami ng magagandang bagay sa ASEAN ay ‘yung tarpaulin pa ang napintasan.

“Sa palagay ko naman ang mahalaga dito ay isang bansa tayo, gusto nating i-market ang ating bansa, mahirap kasi sa gitna ng ganito tapos pino-politicize, mayroon kang maling tarpaulin tapos ‘yun na ang pinag-uusapan. Sa hinaba-haba ng ASEAN mula nu’ng Abril hanggang ngayon, napakadaming mga magagandang nangyari na sa ating bansa tapos ganoon pa rin. Mahirap ‘yung ganon eh ‘yung we have so much hatred in our hearts, it is not good for our country,” dagdag pa ni Andanar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?