38
ABANTE martin andanar paliwanag trips abroad explain
By

Andanar pinapaaksyunan ang mga travel advisory sa ‘Pinas

Pinakikilos ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang Office for Global Media Affairs para isulong ang mas patas na travel advisories.

Bunsod na rin ito ng magkasunod na travel advisories ng United Kingdom at Australia na nagbabala sa kanilang mamamayan na iwasang magtungo sa Mindanao dahil peligroso ito sa kanilang kaligtasan at seguridad.

Sinabi ng kalihim na isa sa mga pangunahing tungkulin ng Global Media Affairs ay makatulong sa maayos na tourism relations sa pagitan ng Pilipinas at iba’t ibang mga bansa.

Hinikayat din ni Andanar ang mga tourism leader na tukuyin ang mga partikular na lugar na may isyu sa seguridad.

Sa ganitong paraan aniya ay maiwasang madamay ang ibang lugar na wala namang problema sa seguridad, bukod pa sa naapektuhan ang ekonomiya ng iba pang tourism spots na hindi naman dapat kasali sa advisory.

Matatandaang sa inilabas na UK advisory ay nilahat ang Mindanao region dahil sa insidente nang pagpapasabog noong Disyembre gayong nangyari lamang ito sa iisang lugar, partikular sa Cotabato City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?