39

By

Andanar, ‘no comment’ sa pagbibitiw ni Teo

Sharing is caring!

Tumangging magkomento si Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar sa naging aksiyon ni Tourism Secretary Wanda Teo na magbitiw sa puwesto.

Kasama ang PCOO sa mga iniimbestigahan ng Office of the Executive Secretary kaugnay sa P60 million tv ads ng Department of Tourism sa PTV4 na inere sa programa ng Tulfo brothers.

Ang PTV4 ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng PCOO at sinabi ng Palasyo na lahat ay iniimbestigahan sa isyu batay sa inilabas na report ng Commission on Audit.

Sinabi ni Secretary Andanar sa isang text message na wala siyang komento sa resignation ni Teo at mas mabuti aniyang hayaan munang gawin ang proseso sa isyu.

” I have no comment on Secretary Teo’s resignation. Let us allow the proper procedure to proceed, which is basically for PTV4 to comply with COA’s requirements,” ang maiksing text ni Andanar.

Nauna rito inihayag ni Special Assistant to the President Bong Go na kasama ang lahat ng opisyal ng mga sangkot na ahensiya sa mga iniimnestigahan dahil nais malaman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang puno’t dulo ng isyu.

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na hawak ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang mga dokumento at tuloy pa rin ang imbestigasyon kahit nagbitiw na si Secretary Teo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?