8

Aug 1, 2020 @ 15:29
By

Andanar: Ekonomiya bumagsak sa virus

Hindi maganda — ito ang maituturing ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar tungkol sa ekonomiya sa bansa sa panahon ng coronavirus disease-19 (COVID-19).

Sa panayam sa Patrolya Probinsya ng Abante Radyo Tabloidista, sinabi ni Andanar na bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas, na ayon sa Department of Finance, mula 6.6 o 6.7 gross domestic product (GDP) ay sumadsad ito ng negative 0.2 percent.

“Nakita natin na noong 2016 hanggang 2020 ng first quarter ang GDP natin ay nasa 6.6 percent biglang mahuhulog sa minus 0.2 percent, ibig sabihin nito ay bagsak ang mga negosyo,” ani Andanar.

Ayon kay Andanar, kung bagsak ang negosyo, ay babagsak din ang ekonomiya ng bansa at marami ang nawawalan ng trabaho.

Aniya, ang Singapore na well-develop country sa buong mundo ay bumagsak ng 41 percent ng kanilang ekonomiya dahil sa pandemya dulot ng COVID-19.

“Singapore na ‘yan, first world country na ‘yan, “ani Andanar. “Napakaraming kumpanya ang nagsara.”

Hinihintay ng bansa, ayon sa opisyal, ang datos ng statistics authority kung gaano kalaki ang kinontrak ng ekonomiya ng bansa ngayon second quarter.

Sinabi ni Andanar na sa panahon ng COVID-19, tumulong sana ang sambayanan sa gobyerno upang masulusyonan ang pandemyang kinakaharap ng bansa. (

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?