118

Oct 23, 2017 @ 17:10

Andanar, Abella papalitan sa puwesto?

Tahimik ang Malacanan sa ulat na mayroon umanong  napipintong balasahan sa ilang appointees ni President Rodrigo Duterte partikular  sa  mga opisyal  ng  Presidential Communications  and  Operations  Office  o PCOO.

Kasunod  ito ng  paglutang  ng  pangalan  ni Kabayan partylist representative  Harry Roque  na  posibleng  madagdag sa PCOO  kapalit  sa  alinmang  puwesto  nina  PCOO secretary Martin Andanar  o  ni Presidential  Spokesman ernesto Abella.

Pinadalhan  ng  text message  kahapon si Abella  para  hingan  ng  reaksiyon subalit  walang  tugon mula  sa kanya.

Kasalukuyang  nasa United  Kingdom naman si  Andanar  at walang  pahayag  mula sa  kanyang  tanggapan.

Wala namang  pahiwatig  si Pangulong  Rodrigo Duterte  na  magkakaroon ng  rigodon sa  PCOO  o  sa  ibang  mga  opisyal  ng Malacanang.

Matatandaang   naging sentro ng  puna  ng  mga  kritiko si Andanar at ang  tanggapan nito matapos  ilang  beses  na  pumalpak ang  Philippine News Agency (PNA) na  nasa  ilalim ng  pangangasiwa  nito.

Si Abella  naman ay  binatikos dahil sa  ilang  pagkakataon na  magkaiba  ang pahayag  nito sa  Presidente at hindi nito umano  naipagtanggol  ang  punong ehekutibo  sa pagbanat sa  European Union, at  hindi nabigyan ng  tamang  impormnasyon  kaugnay sa  grupong  nagbantang  magpapaalis  umano sa Pilipinas sa United Nations  human Rights Commission. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?