15

Ancajas vs ‘Zorro’ raratsada sa Las Vegas sa Abril

Sharing is caring!

Nakatakdang magbalik ng puting telon si world junior bantamweight champion Jerwin Ancajas sa Abril at haharapin niya ang kapwa Pinoy na si Jonas “Zorro” Sultan.

Kinumpirma ng trainer at manager nitong si Joven Jimenez ang pakikipagsagupa ni “Pretty Boy” kay Sultan sa Abril 14.

Magiging undercard ito sa pagdepensa ni Jeff Horn sa welterweight title niya laban kay Terence Crawford sa Mandalay Bay sa Las Vegas.

Ikalawang pagkakataon na ito ng pagtapak ni Ancajas sa Amerika.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?