sultan-ancajas
By

Ancajas vs Sultan: Upakan din ng utak!

Sharing is caring!

Sa Mayo 26 sa Save Mart sa Fresno, California, hindi lamang bugbugan ng katawan ang magaganap – labanan din ng utak at diskarte.

Sa ikalimang pagkakataon ay idedepensa ng 26-anyos na pambato ng Panabo City sa Davao del Norte at nakabase na ngayon sa Cavite na si Jerwin Ancajas ang kanyang IBF super flyweight tiara laban sa kaedad na si Jonas Sultan, mula sa Tampilisan sa Zamboanga del Norte at residente na ng Cebu City.

Pero ayon sa dalawang Pinoy boxers, labanan din ito ng utak. “I am smarter,” deklara ni Sultan (14-3, 9 KOs).

Sang-ayon dito si Ancajas (29-1-1, 20 KOs), “Sultan is also a good boxer. That’s why we’re trying to find ways to gain even a small advantage. It will be a battle of the brains as well as who connects first. On this fight, I will unleash all my skill and experience.”

Unang salpukan ito ng dalawang Pinoy para sa world title sa nagdaang 93 taon.

Bagama’t sinasabing dehado sa umbagan, ipinagkibit-balikat lamang ito ng kampo ni Sultan. “He (Jonas Sultan) doesn’t have any respect to anyone, including the champion,” saad ng trainer ni Sultan na si Edito ‘Ala’ Villamor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?