63
sultan1
By

Ancajas may kalalagyan! – Villamor

Sharing is caring!

Pahihirapan ni Jonas Sultan si IBF super flyweight ruler Jerwin Ancajas.

Kahit dehado sa tingin ng marami, optimistiko ang kampo nito na maagaw ang korona ng kapwa Pinoy boxer.

Nagpapatuloy sa kanyang hard training sa Wild Card Gym sa California ang 26-anyos na mandatory challenger para sa May 26 All-Filipino showdown nila ni Ancajas sa Fresno, California.

Ayon sa chief trainer ni Sultan na si Edmund Villamor, unti-unti nang nakaka-adjust ang first timer sa Amerika na si Sultan.

“Coming here early has been a huge help for Jonas because it’s his first time fighting here,” litanya ni Villamor sa panayam ng SunStar Cebu. “His sleep isn’t normal yet but I think he’ll be able to adjust within the week.”

Sumalang na si Sultan sa apat na round ng sparring session ayon pa kay Villamor.

Tingin pa ng trainer, na kay Ancajas ang pressure at wala sa dehadong si Sultan. Inaaral na nila sa kasalukuyan ang mga nakalipas na bakbakan ng kampeon upang makagawa ng tamang istratehiya para talunin ito.

“Our focus right now is on how Ancajas fights. We have been studying him,” panapos nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?