107

By

Ancajas chill na lang vs Gonzales

Hindi na gaanong paghahadaan ni Jerwin Ancajas ang kanyang bagong makakatungali na si Miguel Gonzales para depensahan ang kanyang International Boxing Federation (IBF) super flyweight crown sa Disyembre 8 sa Puebla, Mexico.

Para kay head coach Joven Jimenez, swak at sapat na ang naging training ni Ancajas sa naudlot na laban nila ni Jonathan Rodriguez dahil halos magkasing pareho lang sila ng playing style.

Naging batayan rin ni coach Joven ang hawak na kartada ni Gonzales na 31-2 at walo lamang dito ang napatumba niya hindi katulad ng Mehikano na si Rodriguez na 15 ang KOs.

Pero kahit na ganun pa man ang sitwasyon ay hindi naman sila magiging kumpiyansa subalit gagawin anila itong bentahe upang samantalahin ang kakayahan at standard niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?