43

Jun 25, 2022 @ 10:37
By

Anak pinagsasaksak sariling ama, dedo

Patay ang isang ama matapos itong pagsasaksakin ng sariling anak sa Batangas City.

Ayon sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Southern Tagalog, nakainom at nagwala ang suspek na si Zoren Comia, 30.

Maya-maya pa’y pinagtatataga na nito ang ama na si Efren Comia, dahilan nang agarang pagkamatay nito.

“Ayon sa imbestigasyon namin, tuwing nalalasing itong suspek na si Zoren Comia, ganun ang kaniyang ginagawa. Kaya nung araw na ‘yon, yung tatay niya ang kaniyang napagdiskitahan at ayun, pinag i-itak niya ang iba’t ibang parte ng katawan,” pahayag ni Police Lieutenant Diosdado Pasion, OIC, PCR, Batangas City Police Station.

Ngunit nilinaw umano ng suspek na ang kanyang tatay ang madalas magwala kapag nakainom ito.

Ilang taon na rin umano niyang pinagtitiisan ang kanyang ama.

Bianca Umali binuyangyang ang katawan sa IG

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?