23

Nov 8, 2021 @ 12:57
By

Anak nina Vic, Pauleen gusto masundan

Isang baby sister ang hiling ng anak nina Vic Sotto at Pauleen Luna sa ika-apat nitong kaarawan.

Nitong Nobyembre 6 ay ang kaarawan ni Tali, kaya naman binati siya ng cast ng ‘Eat Bulaga’ nitong weekend.

Kaya naman matapos awitan ng Dabarkads, tinanong si Tali tungkol sa kanyang birthday wish.

“Baby sister,” maikling sagot ng bata.

“Medyo may problema tayo diyan sa wish mo, anak, pero ita-try natin ah?” pabirong sagot naman ni Vic.

Sina Vic at Pauleen ay ikinasal noong 2016, samantalang si Tali, o Talitha Maria, ay ipinanganak noong 2017. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?