238

Nov 24, 2017 @ 11:06
By

Anak nina Robin at Mariel, bininyagan sa Malacañang Park

Sa bibihirang pagkakataon ay nagkaroon ng binyagan sa Malacañang Park, partikular sa clubhouse malapit lamang sa official residence ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Bagama’t hindi bukas sa media ay naglabas ng opisyal na litrato ang Malacañang kung saan ang bininyagan ay ang panganay nina actor Robin Padilla at Mariel Rodriguez-Padilla na si Maria Isabella.

Walang impormasyon kung si Pangulong Duterte ang isa sa mga tumayong ninong sa binyag ng anak nina Robin at Mariel at kung ito ba ay ginawa sa Christian o Islam rites.

Ang aktor na si Padilla ay die-hard supporter ni Pangulong Duterte at tumulong noong panahon ng kampanya sa pampanguluhang eleksiyon.

Ang Pangulo naman ang nagbigay ng “absolute pardon” sa aktor na nagbabalik sa lahat ng karapatan nito sa lipunan matapos makalaya sa pagkakulong dahil sa kasong illegal possession of firearms and ammunitions. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?