169

Oct 12, 2017 @ 11:43

Anak nina Aga at Charlene, pinagkaguluhan sa premiere night…

STAR studded ang premiere night ng Seven Sundays noong Marte sa SM Megamall. Kumpleto ang cast ng movie na pinangungunahan nina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Enrique Gil, Cristine Reyes at Ronaldo Valdez. Kasama rin siyempre ang direktor na si Cathy Garcia Molina. Andun din ang iba pang cast ‘tulad nina Donita Rose, Kian Cipriano, Ketchup Eusebio at iba pa.

Dumating si Aga kasama ang asawang si Charlene Gonzalez with kids Andres and Atasha, na pinagkaguluhan ng mga fans. Ang guwapo nga kasi ni Andres, at ang ganda ni Atasha. Dingdong naman came with Marian Rivera.

Ilang personalidad na nakita namin ay sina Liza Soberano, Maymay Entrata, Edward Barber, Marco Gallo, Andrea Brillantes, Darren Espanto, Kakai Bautista, Mae Cruz-Alviar.

ABS-CBN and Star Cinema executives Charo Santos-Concio, Malou Santos at Olivia Lamasan.

Nabigyan ng Grade A rating ng Cinema Evaluation Board ang Seven Sundays. And immediately after the premiere, nakabasa na kami ng magagandang reviews about the movie. To quote ang a noted film critic, “no doubt that this (Seven Sundays) is the family movie of the year!”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?