82

Aug 7, 2020 @ 15:20
By

Anak ni Vhong, college grad na

Proud daddy si Vhong Navarro dahil nakapagtapos ng kolehiyo ang panganay niya.

Sa Instagram binahagi ni Vhong ang mga graduation photo ni Fredriek.

Grumadweyt si Fredriek ng Information Technology degree sa University of Santo Tomas, ayon sa ABS-CBN report.

“Yahoo!!! Pinakamagandang regalo na natanggap ko!!! Maraming salamat sayo Kuya. Nakaka proud ka. I love you so much!” caption ng “It’s Showtime” host.

Dalawa na ang anak na lalaki ni Vhong. Si Fredriek na anak niya sa dating non-showbiz partner at si Isaiah kay former actress Bianca Lapus.

Sa ngayon ay kasal na si Navarro sa longtime partner niyang si Tanya Bautista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?