253

Oct 14, 2021 @ 16:40

Anak ni Tonyboy at Gretchen engaged na

Engaged na ang anak nina Antonio “Tonyboy” Cojuangco at Gretchen Barretto na si Dominique Cojuangco.

Ang 26-anyos na si Dominique ay nakatakdang ikasal kay Michael Hearn.

Simpleng caption na ‘For life’ ang inilagay ni Dominique sa kanyang Instagram post kung saan pinakita niya ang mga larawan ng kanilang engagement.

Inulan naman ng ‘congratulations’ ang comment section sa post ni Dominique.

Ibinahagi rin ni Hearn ang kanilang engagement nila sa kanyang sariling Instagram post.

“On to the next chapter with @dominique,” saad sa kanyang caption.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?