249

Mar 19, 2020 @ 15:23
By

Anak ni Sunshine kamukha ni Kitty Duterte

TikTok ang naging daan nina Sunshine Cruz at kanyang tatlong anak para mawala ang inip, bagot sa enhanced community quarantine.

Hindi lang ganda ang makikita sa kanilang TikTok video kundi maging ang kanilang pangmalakasang dance moves na ikinatuwa ng netizens.

Caption ni Sunshine sa kanyang instagram post, “Ending the night bonding with my girls. Let’s keep on praying. Please stay healthy. May God bless us all!”

Pinuri ng netizens ang dancing video ng mag-iina at tila natuwa sa bonding nila sa gitna ng nagyayaring community quarantine.

Ani @myjeniffee_28 “I wish my only daughter could do this with me.”

Ngunit ang isang netizen naman ang nagsabi na kamukha ni Chesca Cruz si Kitty Duterte.

Sa kanyang unang tingin, inakala niyang ang anak ni Presidente Digong ang bunso ni Sunshine.

Hirit ni @cassandraleizelyn, “Ang galing ng bunso. Unang tingin akala ko si Kitty Duterte.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?