31

Mar 5, 2021 @ 13:05
By

Anak ni Solenn sa Spanish, French cartoons lang pwede tumutok

Pinaliwanag ni Solenn Heussaff kung bakit Spanish o French cartoons lang ang pwedeng panoorin ng panganay nila ni Nico Bolzico na si Thylane.

“She is now allowed 5 minutes of cartoons per week. BUT in French or Spanish only,” sey ng host-aktres sa kanyang Instagram Stories.

“She hears English every day with everyone so she will learn it fast. She hears Tagalog every day at home and with family, so it will come naturally just like English. French only with me and my dad. Spanish only with Nico,” lahad niya.

Naniniwala si Heussaff na sa panonood ng cartoons sa banyagang wika, mas mae-expose ang batang anak sa
French at Spanish.

“So I am not sure if she will identify all languages OR think all four are one. Anyways, read in many books, the more languages you expose a baby to, the better,” sey niya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?