7

Oct 20, 2020 @ 17:14
By

Anak ni Shaq may tattoo ulit ni Kobe

IPINAKITA ng anak ni Shaquille O’Neal ang ikalawang tattoo nito na kanyang pag-alala sa namayapang si Kobe Bryant.

Ipinalagay ni Shareef ang imahe ni Bryant na nakahawak sa jersey habang ito’y nagseselebra.

Ang unang tribute tattoo ni Shareef ay ang brand logo ni Black Mamba, jersey ni Gianna at imahe ni Bryant na pumupukol ng mid-jump shot, meron din itong pinalagay na Mamba Mentality.

Isa ang anak ni O’Neal sa naapektuhan ng sobra dahil sa pagpanaw ni Bryant. Maaalala na bago ang trahedya ay nagkapalitan pa ng text messages ang dalawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?