48

Jan 28, 2021 @ 18:54

Anak ni Ryza Cenon bininyagan na

Bininyagan na kahapon ang anak nina Ryza Cenon at nobyo nitong si Miguel Cruz na si Baby Night.

Sa Instagram ng aktres, ibinahagi niya ang ilang litrato ng kanyang pamilya kasama ang iilan niyang mga kaibigan sa binyag.


“Start your journey towards God’s eternal blessing for the rest of your life,” saad niya sa caption ng kanyang post.

“May the holy spirit always surround you and protect you! God bless you anak,” dagdag pa nito.

Pinasalamatan din ng aktres ang mga ninong at ninang ng kanyang anak.

“Thank you to @niceprintphoto , @honeyglazecakes , @labellefete , @partystationphils & to all ninangs and ninongs and our friends. Special thank to dada @miguel.antonio.cruz i love you,” saad niya sa dulo ng post.

Ani Cenon, hindi pa sumagi sa isip nila ni Cruz ang magpaksal.

Hulyo ng nakaraang taon ibunyag ng aktres na nagdadalang-tao siya.

https://www.instagram.com/p/CKjTOkSB7Mc/?utm_source=ig_web_copy_link

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?