66
views

By

Anak ni Ruby na si Toni, engaged na!

Sharing is caring!

Tatlong buwan na umanong engaged sa non-showbiz boyfriend nito ang anak ni Ruby Rodriguez na si Toni Aquino.

Ani Toni, kating-kati na siya na i-post ang naturang kaganapan pero sinabihan siya na maghintay ng tamang pagkakataon.

“I have been itching to post it ever since it has happened! (I was told to wait). Anyway, I suppose the time is right,” sabi sa caption ni Toni sa larawan ng engagement ring nito.

Sabi pa ng panganay ni Ruby, hindi agad mangyayari ang kasal dahil may mga bagay pa silang dapat asikasuhin ng kanyang fiance.

“It’s not going to happen right away. We both want to spend the rest of our lives together but we both have to finish what we are doing now (graduate college for me and he has to finish his army contract),” ani Toni.

Kuwento pa ng dalaga, nakilala niya ang fiance niyang si Rick Centurion sa isang party at hindi niya akalain na maging espesyal na tao ito sa buhay niya. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?