32

Jul 21, 2021 @ 21:12
By

Anak ni Robredo nagturok sa Maynila

Kabilang ang anak na doktora ni Vice President Leni Robredo na si Tricia sa mga volunteer vaccinator sa isang drive-through vaccination site sa Cultural Center of the Philippines Complex nitong July 21.

Ibinahagi ni Robredo sa Facebook ang mga litrato ni Tricia habang nagbabakuna kontra COVID-19.

Nakipagtambal ang Office of the Vice President sa Manila City government para sa pagbabakuna sa mga tricycle, pedicab at delivery rider.

Sa kabila ng malakas na buhos ng ulan dulot ng bagyong Fabian ay natuloy ang pagtuturok sa mga tricycle, pedicab at delivery rider ng pangalawang dose.

“Heavy rains but all our volunteers braved the floods to come and help. We would never have pulled this off without their commitment,” saad ni Robredo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?