41

Oct 6, 2021 @ 15:53
By

Anak ni Parañaque Mayor Olivarez gusto mabinyagan sa politika, target maging konsi

Susubukan sa unang pagkakataon ng anak ni Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang mundo ng politika sa darating na Eleksyon 2022.

Ayon sa ulat, tatakbo bilang konsehal ng unang distrito ng naturang lungsod si Paolo na siyang umanib sa partidong PDP-laban.

Ilan sa mga kasama ni Paolo sa maghahain ng kanilang kandidatura sa Huwebes sina Marvin Santos, Eleazar Diokno, Valdolph Quizon at Jomari Yllana.

Tatakbo ang mga nasabing indibidwal sa ilalim ni Rep. Eric Olivarez na siyang namang target palitan ang kanyang kapatid na kasalukuyang alkalde.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?