283

Jun 7, 2021 @ 17:49
By

Anak ni Nicole Hyala na-coma

Inilantad ni DJ Nicole Hyala ang pinagdaanang pagsubok ng kanilang pamilya at sinabing na-comatose ang kanyang anak na si Princess dahil sa pamamaga ng utak.

Sa Instagram post, ibinahagi ni Nicole ang photo ni Princess habang nasa ospital noong April at milagrong gumaling noong May.

Ani Nicole, nawala siya sa social media dahil kinailangan niyang alagaan si Princess na nagkasakit ng meningoencephalitis.

“THE LORD HAS SHOWN HIS GLORY AND MIGHT. HE HAS GIVEN US A MIRACLE. You may have noticed that I was inactive in social media for more than a month. I took a break from social media because I needed to take care of my Princess, who unexpectedly got sick with meningo-encephalitis, a rare disease that causes inflammation of the brain,” anang sikat na radio DJ.

“Gusto ko din kasi na sa susunod na magpopost ako sa social media, ay tungkol na sa story of victory. And so, here it is. Our story of victory. A story of how God took over and gave us a miracle. A story of hope. A story of God’s love,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?