179
Anak ni Melanie palaban sa pagpapaseksi
By

Anak ni Melanie palaban sa pagpapaseksi

Hindi nagpapaawat sa kanyang pagpapakita ng sexy na katawan ang anak ni Miss International 1979 Melanie Marquez na si Michelle Dee.

Kung titingnan ang Instagram account ni Michelle, parati itong nasa beach at panay pose na naka-bikini.

View this post on Instagram

Duvet days and vanilla ice cream 🍦🎶

A post shared by Michelle Marquez Dee (@michelledee) on

May pinagmanahan si Michelle dahil bukod sa isang beauty queen ang kanyang ina, naging supermodel din ito noong ’80s sa New York City.

Ito marahil ang gustong sundan na yapak ni Michelle kaya naman panay ang workout nito. Into boxing and body weights si Michelle para toned ang kanyang katawan.

Pumirma last year sa GMA Artist Center si Michelle Dee na ang ama ay ang dating action star na si Derek Dee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?