6,038

By

Anak ni Marcus Adoro ng E-heads magsasalita na rin

“i will share my story soon.”

Ang pahayag sa Facebook ni Syd Hartha Chua, isa sa mga anak ni Eraserheads lead guitarist na Marcus Adoro o Markus Highway.

Kasunod ito ng pag-share ng singer sa mga post ng partner ni Adoro na si Barbara Ruaro tungkol sa domestic abuse na nararanasan ng huli.

Ni-like din ni Chua ang komento na nagtatanong kung ang tinutukoy ba ay si Marcus.

Shinare ni Ruaro ang nasabing post ni Syd sa kanyang Facebook, na may kasamang emoji ng nagdadasal na mukha at itim na puso.

Hinikayat din ni Syd ang kanyang mga Twitter follower na basahin ang isang balita tungkol sa post ni Ruaro.

Una nang inihayag ni Ruaro ang domestic abuse na nararanasan niya nang halos isang taon sa kanyang lalaking partner na isa aniyang “narcissistic” o punong-puno sa sarili.

Hindi niya pinangalanan ang abuser at sinabing nakapaghain na ito ng kasong paglabag sa Republic Act 9262 o ang “Anti-Violence Against Women and Children (VAWC) Act” laban sa lalaki.

image.png

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?