45

Jan 19, 2021 @ 17:49
By

Anak ni Mar Roxas, nagsisimula na maging pilya

Nagsisimula nang maging pilya ang isa sa mga kambal na anak ni Mar Roxas at Korina Sanchez na si Pilar.

Ito ay matapos ibahagi ni Roxas sa Twitter ang isang video clip kung saan makikitang inaakyat ni Pilar ang kanyang crib para makatakas.

“Simula ng kalbaryo ko. Dunno whether to beam w pride or to start crying,” saad niya sa naturang tweet.

Matapos maakyat ni Pilar ang crib, maririnig si Roxas na nagsabing “[A]nd now we have the great escape.”

May kakambal si Pilar na pangalan ay Pepe.

Kasalukuyang isang taong gulang pa lamang ang dalawa.

Nagkaanak si Sanchez sa pamamagitan ng pagsasailalim sa gestational surrogacy sa Amerika

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?