288

By

Anak ni Jinggoy, sasabak sa pagka-mayor ng San Juan

Sharing is caring!

Handang-handa na ang anak ni Senator Jinggoy Ejercito Estrada na si Janella Ejercito Estrada na nag-aambisyon sa pagka-alkalde ng San Juan.

Nakatakdang mag-file ng kanyang certificate of candidacy (COC) sa Martes si Janella Estrada, 29-anyos sa tanggapan ng Commission on Elections sa San Juan City, sa ilalim ng Partido ng Masang Pilipino (PMP), kasama ni Janella ang kanyang vice mayor at mga konsehal.

Sa ilalim ng Partido ng Masang Pilipino (PMP), kasama ni Janella ang kanyang vice mayor Leonardo “Boy” Celles, at mga konsehal na sina Mari Goitia, Vic Reyes, Chesco Velasco, Boyet Aquino, Raissa Laurel, Vincent Pacheco (District 1), Lino Trinidad, Kit Peralta, Jana Ejercito, Cris Mathay, Joy Ibuna-Leoy at Allen Silvano (District 2).

Una nang inindorso ni Mayor Guia Gomez si Janella dahil sa pagiging aktibo nito sa larangan ng politika at ang kanyang hangaring makapaglingkod sa bayan at sa kapwa ang hinangaan ni Mayora Gomez.

Mula sa basbas ng kanyang mga magulang na sina Senator Jinggoy at Precy Ejercito, at sa lolong si dating pangulo at ngayo’y Mayor ng Maynila na si Erap Estrada, naniniwala sila sa kakayahan ni Janella na kayang mas paunlarin pa ang San Juan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?